GCASH
Ang GCash ay isang online wallet or digital wallet powered by Globe na kung saan ay maaari kang mag lagay ng pera digitally. Maaari mo itong gamitin sa pagbayad ng mga napamili mo online. Kailangan mo ng load? Pwede ka na rin mag load sa iyong sarili, pamilya pati na rin sa'yong mga kaibigan. Nakakatamad lumabas ng bahay para magbayad ng mga bills, lalo na't napaka haba ng pila. P'wes, sa GCash walang pila dito! Ilang click lang sa iyong smartphone at mababayaran mo na ang iyong mga bills. HASSLE FREE! Libreng libre mong magagamit ang kanilang mga serbisyo.
Kaya't ano pang hinihintay mo? Halina't tuturuan kita kung paano gumawa ng account. Sundin lang ang mga sumusunod:
1. I-download ang GCash App sa Google Playstore o sa Appstore.
2. Buksan ang App at ilagay ang iyong mobile number.
Ilagay lang ang iyong Globe/TM number para magsimula. Hindi ka Globe/TM user? No worries! Dahil pwede mo na rin gamitin ang iyong Smart/TNT/Sun number para makapag register!
3. Authenticate your account
4. Ilagay ang iyong impormasyon
Ibahagi ang iyong kumpletong pangalan, birthday, email at address kung saan ka nakatira. Kailangan nila ang iyong address alin sunod sa utos ng Bangko Sentral ng Pilipinas.
5. Review-hin ang mga detalye
Basahin ng mabuti ang mga detalyeng iyong inilagay kung ito ba ay tama. Maari ka ring maglagay ng Promo code/Referral code para makatanggap ka ng extra bonus mula sa Gcash! Pwede mong gamitin ang Promo code na ito --> 76CUHQ <-- upang makatanngap ka ng extra P50.00 sa iyong wallet.
6. Gumawa ng sariling MPIN
Gumawa ka ng 4 digit na MPIN. Ito ang magsisilbing password sa iyong account kaya siguraduhing tandaan upang ligtas ang iyong account.
7. Gawa na iyong Gcash account
Congratulations! Tapos na ang iyong account. Ganun lang kadali at kasimple. Maaari ka nang mag log-in sa iyonng bagong gcash account at simulang gamitin ang kanilang mga serbisyo mula sa pagbili ng load, magbayad ng bills, mag shop online, at marami pang iba!