Kabado ka ba kapag may Reporting?
Bibigyan kita ng mga strategies when it comes to Reporting. Ang Reporting ay isang Performance-Based Task na madalas ibinibigay sa inyo nang inyong mga guro, instructor o professor. Alam ko na isa ka rin sa mga natatakot at nagdadasal na sana hindi ka mapili o hindi ka mauna sa mag-rereport. Pero s'yempre hindi ka matatawag o matuturing na isang totoong mag-aaral kung hindi mo masusubukan ang mag report sa harap ng iyong mga kaklase.
Kaya basahin mo lang ito hanggang dulo at at malalaman mo ang iba't ibang strategies and tips pagdating sa class reporting.
What is your most unforgettable moments during your reporting? Write your answer in the comment section down below!
Kapag sinabi nating Classroom Reporting, ito ay ang pagkakaroon mo ng pagkakataon na tumayo sa harap ng buong klase at magturo na parang isang guro o professor. During this time, maaari kang mag-share nang iyong mga nalalaman, magtanong tungkol sa iyong sinasabi at puwede ka rin nilang tanungin tungkol sa iyong paksa.
Binibigay ito ng inyong guro hindi dahil sa tinatamad sila, ito ay upang ma-assess o masukat kayo sa mga iba't-ibang aspeto ng karunungan na mayroon kayo. Isang halimbawa nalang n'yan ay ang Communication Skill mo. Kung paano ka magsalita sa harapan ng maraming tao. Masusukat rin dito ang iyong Confidence o kalakasan ng loob.
10 bagay na dapat mong gawin BEFORE and DURING Classroom Reporting
Step 1: Set your Motivation
Ang una mong gagawin ay mag set ng motivation para sa iyong mga audience which in this case, is your classmates. Bago ka mag-proceed sa iyong lesson proper, you should atleast prepare some ice breaker, or attention getter na magagawa mo in just a limited time. Sa tulong nito ay maise-set mo ang mood ng classroom and you'll get the attention of your classmates to listen at maiwasan ang pagkaburyo sa iyong reporting. Halimbawa nito ay Games, video clips, songs, puzzle, riddle, etc.) It is up to you and it'll depende on your subject matter. Make sure lang na naka incline ito sa iyong paksa.
Step 2: Do some Research
Once your teacher gave you your topic for your report, mag research ka bes! Mahalaga na magkalap ka ng maraming impormasyon tungkol sa iyong paksa. Don't stick on textbooks itself. Kung sa book nanggaling ang iyong paksa, huwag ka lang aasa don at 'yun lang ang gagamitin mo. Find some reliable references. Go to the library and find other books or ask Mr. Google but be careful sa paggamit ng Internet, not all information there are valid.. And remember your role, "Teach them and share new knowledge"
Step 3: Prepare Visual Aids
After you gathered and collected all the information you need para sa iyong paksa, of course you need a way paano ito maipapakita sa iyong mga kaklase. You have 2 choices, one is gumamit ng Manila Paper or Cartolina. Kailangan mong isulat dito ang mga information nakalap mo. Pero hindi kailangan lahat, 'yung mga mahahalaga lang tungkol sa iyong paksa. And if you're going to use this way, you need to write a little bigger. Bigger enough para makita ng mga kaklase mo sa dulo. The second one is using a PowerPoint. Mas attractive itong gamitin dahil pwede mong gamitin both texts and pictures to convey the information. Pero huwag naman i-spam o ilagay lahat ng info sa iisang slide. Free lang naman ang slide so you can divide the info into different slides. Maximum of 3 sentences per slide. And each sentences is consists of 6 words. Sapat na 'yun.
Step 4: Avoid to much Memorization
DON'T MEMORIZE YOUR WHOLE REPORT WORD BY WORD. Hindi mo kailangang kabisaduhin iyon. Maipapahamak mo lang ang iyong sarili kapag ikaw ay nilamon na ng kaba sa harap at magmistulang istatwa na hindi na alam kung ano ang sasabihin. And to avoid that, the best thing that you can do in here is to FULLY MASTER YOUR TOPIC. Learn the content of your lesson. Hindi mo kailangang kabisaduhin, you just need to FAMILIARIZE on the most important details. Na kahit balik-baliktarin pa 'yan, you can answer them at ease. Memorization isn't bad, though. Mahalaga pa rin naman ito sa iyong reporting. Kasi minsan si teacher ay terror, hindi nag a-allowed ng cue-card o guide sa reporter sa harap during reporting.
Step 5: PRACTICE! PRACTICE! PRACTICE!
Mahalaga na lagi kang handa sa kahit anong oras at pagkakataon. Hindi mo alam kung ano ang mga maaaring mangyari sa araw ng iyong reporting. Kapag ikaw ay nag-practice hindi lang nito mahahasa ang iyong kaalaman tungkol sa iyong paksa kundi matutulungan ka rin nito na alamin ang buong daloy ng iyong report. Kung saan ka magsisimula, paano ka magtatanong, at kailan ka matatapos.
Step 6: Engage with your Audience
You need to set an interaction between you as a reporter, and your classmates and teacher. Mahalaga na sa bawat reporting, hindi lang ikaw 'yung nagsasalita. Your classmates should atleast participate. Masusukat mo dito ang interest nila sa topic. You can ask question or you let them ask you questions.
REMEMBER: Don't let your Audience read your report for you. Huwag mo silang pagbasahin. Akala mo kasi nakukuha mo ang kanilang attention kapag pinababasa mo sila. For me as a teacher, this is a BIG-OFF sa iyong performance. Hindi kasi s'ya magandang tignan.
Step 7: Reward System
You ask question and your classmates got it right, you give them some reward. Makakatulong ito sa'yo to gain your audience interest. Once kasi na nalaman nilang nagbibigay ka ng reward, namo-motivate sila to participate on your discussion. Just make sure to do this with consistency. Hindi 'yung nag-reward ka lang sa umpisa tapos sa dulo wala na. You should atleast divide it sa buong duration ng report mo.
Step 8: Provide Handouts
Sa paggamit ng Handouts, makakatulong ito sa iyo at sa iyong mga kaklase. Especially sa mga kaklase mong hindi makopya ang lecture mo dahil sobrang liit ng sulat mo o kaya sadyang tamad lang silang magsulat. Hindi na mahahati ang attention nila sa pagsusulat at pakikinig.
Step 9: Speak Louder
Start your report with a loud voice. Nagpapakita kasi ito ng katalinuhan. Sa tulong nang pagsasalita ng malakas, napapalakas din nito ang iyong kalooban at talagang mapapasabi nalang si teacher na magaling ka.
Step 10: Just Relax
Huwag na huwag magsisimula kung sobrang kinakabahan. Maaaring magdulot ito ng hindi maganda sa'yong report. Kalmahin ang iyong sarili. Shake it off. Wala kang dapat ikatakot. Just give your best and enjoy your moment.
sa totoo lang talaga Everytime mag rereport ako sa class namin I always feel nervous and uncomfortable everytime my gosh!
ReplyDeletebut Im working to get better on it ..