Showing posts with label Coinsph. Show all posts
Showing posts with label Coinsph. Show all posts

Saturday, August 3, 2019

Claim your Razer Gold Pin into Diamonds (Mobile Legends)

Kung ang battle points ang primary in-game curreny, diamonds naman ang premium currency. Makakakuha ka ng battle points sa pamamagitan ng pagpatay sa kalaban o kaya sa pagsira ng mga tore. Magagamit mo ito sa pagbili ng heroes, fragments, weapons, at iba pang maaaring bilhin sa loob ng game.

Samantalang ang diamonds naman ay ang in-game currency na maaari mong mabili sa tulong ng Razer Gold. Magagamit mo ang diamonds sa pagbili ng mga items tulad ng skins, heroes and emblems. Makakatulong ito para pataasin ang stast ng iyong hero at mag level-up ng mas mabilis.

PAANO BUMILI NG DIAMONDS SA MOBILE LEGENDS GAMIT ANG IYONG RAZER GOLD PIN


  • Pagkatapos mong bumili ng Razer Gold Pin (Basahin: How to Buy Razer Pin using Coinsph), puwede mo itong gamitin pambili ng diamonds sa Mobile Legends. Narito kung paano:

Step 1: Go to Razer Gold website. Click here.

Step 2: Hanapin ang Gold Tab at pindutin. Then select "Browse Games" mula sa drop down menu. Kung ikaw ay nag search gamit ang iyong phone, i-click ang tab sa itaas na kaliwang bahagi at hanapin ang "Browse Games"

Step 3: Hanapin at pindutin ang Mobile Legends.

Step 4: Piliin ang "Use Razer Gold PIN". Ilagay ang iyong detalye. Una ay ang Serial number at Pin Number na iyong natanggap. Next ilagay na ang iyong MOBILE LEGENDS User ID. Then your email address.


Step 5: I-review ang lahat ng detalye kung tama. Then pindutin na ang Check-out. Ilang sigundo lang ay papasok na ang diamonds sa iyong account. 

Tuesday, July 16, 2019

How to buy Razer Pin using Coins.Ph

Gusto mo bang magkaroon ng Diamonds sa Mobile Legends? O kaya UC sa PUBG Mobile? Magkakaroon ka ng mga ito sa tulong ng mga game credits tulad ng Razer Gold.
Alam mo ba na puwede kang bumili ng Razer Gold gamit ang Coins.ph? Sobrang dali at napaka bilis lang! Kahit wala kang credit card o Paypal account. Wala pang additional fees!

PAANO BUMILI NG RAZER GOLD WITH YOUR COINS PH WALLET

Ito ang instruction kung paano bumili ng Razer Gold.

Step 1: Mag-log in sa Coins.ph website o buksan ang Coins.ph App. Pindutin ang All Services then Game Credits. Kung wala ka pang Coins.ph account, maari mo itong basahin, Paano gumawa ng Coins.ph account

Step 2: Pindutin ang Razer Gold

Step 3: Pumili kung magkano ang gustong mong bilhin. Maaari kang makabili sa mga halagang P20, P50, P100, P250, P300, P1000, at P2000.

Step 4: Ilagay ang iyong Mobile number kung saan mo gustong matanggap ang Code.

Step 5: Siguraduhin na tama ang lahat ng detalye. Pumili kung saan manggagaling ang iyong bayad (PHP o BTC) tapos i-slide lang o pindutin ang buy credits.

Maghintay lang ng ilang minuto at matatanggap mo na ang E-PIN sa iyong Mobile number. 

And there you have it! Mayroon ka nang Razer Gold Pin na maaari mo nang ipalit sa Diamonds ng Mobile Lengends! 

Basahin kung paano maging diamonds ang nabiling Razer Gold Pin : Claim your Razer GOLD PIN into Diamonds! Mobile Legends


Saturday, July 7, 2018

4 ways para kumita ng pera online na hindi kinakailangan ng special skills

Image result for make money online logo

Marami nang kumikita online dahil napakadali nalang nitong gawin sa tulong ng teknolohiya. Ngunit ilan sa mga trabaho online ay kinakailangan ng mga special skills para ikaw ay makapagsimulang magtrabaho. Ilang halimbawa sa mga ito ay ang pag-sususlat o kaya naman ang paggawa ng programs at websites. Pero mayroon din namang mga trabaho online na kinakailangan lang ng pinaka basic skills.

Ilan sa mga skills na ito ay 'yung mga natutunan mo sa eskwelahan o kaya naman 'yung mga skills na nakuha mo sa araw-araw na paggamit ng Internet. Kung handa ka nang pumasok sa mundo ng paggawa ng pera online, ito ang ilan sa mga maaari mong subukan:

TESTING WEBSITE

Nakapunta ka na ba sa isang website na kung saan ay hindi mo alam kung ano ang pipindutin kasi nakakalito ang mga navigation? I-criticized ang disenyo at kung anu-ano pa? Kung oo ang iyong sagot at hindi ka natatakot na ibahagi ito sa iba, pwes this one is for you.

Lahat ng mga taong nasa likod ng isang business syempre alam n'yan kung ano ang kahalagahan ng isang market testing. Kung may free sample na pinapamigay ang isang brand para iyong subukan, hindi rin naman nalalayo ito sa paggamit ng isang website.

Dahil sa mundo ngayon na halos lahat ay digital na, mahalaga na magkaroon ng isang website, anu man ang uri nito. Ang problema mo nga lang ay kung hindi user-friendly ang iyong website dahil hindi ito magiging epektibo. 

Ito ang kagandahan ng mga kompanya na tulad ng UserTesting. Mga kompanyang nakakakuha ng benepisyo sa paglalabas lang ng sample size target market, i-test ang kanilang website at mag provide ng audio, video at written feedback.

Sa kabilang banda, ang mga tester ay nagkakaroon ng mga benepisyo by going on a specific website, sundin lang nang tama ang instruction, at magbigay ng tapat at totoong komento. Tulad ng UserTesting, ang kailangan mo lang ay web cam at headset at pwede ka nang kumita ng $10 kada review. No special skills required.

TRANSCRIPTION

Alam mo man ito o hindi, I'm pretty sure na mayroon ka nang experience sa ganito. It doesn't matter kung nagtranscribe ka ng isang audio interview para sa school project, nag word to word jot down notes ka habang nakikinig sa seminars, o kaya naman sinulat mo 'yung lyrics ng kantang narinig mo sa radyo. Ang mahalaga ay nakapag convert ka ng isang audio file to written form, then it means na you already done transcribing.

Maniniwala ka ba kung sasabihin kong may mga tao sa buong mundo na handang magbayad para lang sa serbisyong katulad nito? Hindi ka man nito magagawang milyonaryo pero sa tamang kompanya, maaari kang kumita ng $20 per hour ng pag transcribe mo. Ang kompanyang katulad ng TranscribeMe ay tumatanggap ng anumang edad o kung saan ka mang parte ng mundo.

ENCODING

Mula sa pag copy-paste ng URL, mag Google ng mga local restaurants, hanggang sa pag-organized ng isang spreadsheet file, ang pag lalagay ng data, o pagpapasok ng mga inpormasyon ay nakatutulong sa negosyo noon pang dekada nobenta. Kung iniisip mo palang na nakapapagod ng pumasok sa isang panghabang buhay na traaho, bakit hindi mo subukan ang mundo ng encoding at kumuha lang ng maliliit na trabaho.

Ang Mechanical Turk, isang subsidiary company ng Amazon, ay nagpuputol ng mga mahahabang data entry at encoding sa mga maliliit na task na kayang tapusin sa loob lang nang ilang sigundo. Katada task ay magbibigay sa'yo ito mula $0.01 hanggang $0.25 depende sa kahirapan nito.

BECOME A LOADING CENTER

Sa patuloy na pagtaas ng mga bilihin, kada piso ay mahalaga. Kung ikaw ay mayroon ng Coins.ph account, puwede mo itong gamitin upang ikaw ay maging loading center, bumili ng load o kaya naman mag bayad ng bills para sa iyong mga kapitbahay. Makakakuha ka ng P5 rebate everytime na ikaw ay magbabayad ng isang bill, at may dagdag pa 'yang P100 rebate everytime na makababayad ka ng limang bills sa loob ng isang linggo. At kapag ikaw naman ay bumili ng load, makakakuha ka ng 10% rebate each time.
Kung wala ka pang Coins.ph account, maaari mong bisitahin ito:  https://coins.ph/m/join/tp0quh



Tuesday, August 1, 2017

Paano gumawa ng Coins.ph account

Welcome on my blog! Napakasaya ko na tulungan ka. 

Libre lang ang pag-gawa ng account sa Coins.ph at napakadali lang.


Step 1: Pumunta lang sa Coin.ph website at pindutin ang Create an Account.



Step 2: Ilagay ang number o email address at ang napiling password. Pagkatapos pindutin ang Continue.


(Note: Para makatanggap ka agad ng libreng P50 pesos sa iyong pesos wallet kailangan mo ng promo code. Puwede mong gamitin ito, promo code: tp0quh )



IMPORTANT: Sa pagpili ng password, gumamit ng mga bagong kombinasyon na salita na may higit 8 na letra at 1 numero. Huwag gumamit ng password na nagamit mo na sa ibang website o serbisyo.

Step 3: May makikita kang verification screen. Tignan ang iyong SMS o email messages (depende sa kung ano ang iyong ginamit sa pag gawa ng account) kung may message galing kay Coins.ph na naglalaman ng iyong verification code. I-copy ito at i-paste ang verification code sa page at pindutin ang Verify button. 

Step 4: May account ka na! Pwede ka nang mag cash in, bumili ng load, mag bayad ng bills, mag send ng pera at marami pang iba!(Note: Kailangan mo lang i-verify ang iyong account sa pamamagitan ng pagsend ng isang valid ID at Selfie nito.)


#MyPhoneIsMyWallet

Friday, October 14, 2016

Part 3: Buying Load


Puwede mong gamitin ang iyong pondo sa Coins.ph peso wallet para makabili ng load! Ang Coins.ph ay nago-offer ng load sa Globe, Smart, Sun, Talk and Text, at Touch Mobile.

Paano bumili ng load:

Step 1: Pindutin ang "Buy Load" icon sa app

Step 2: Ilagay ang number

Step 3: Ilagay ang amount na gusto mong i-load o pumili sa mga nakalista sa baba. Pwede ka rin bumili ng load promos, pindutin lang ang Combo, Data, at Text tabs.

Step 4: Slide to pay

Makakatanggap ka ng confirmation text sa loob ng 10 minuto. Napaka bilis hindi ba? Ang pagbili ng load promos ay nangangahulugan na automatic ka nang naka subscribe dito.

Hindi mo kailangan ng load? Maaari mo ring magamit ang iyong pondo sa Coins.ph wallet para magbayad ng bills. Basahin ang Part 4 para malaman kung paano magbayad ng bills.

Thursday, October 13, 2016

Part 2: Cashing In


Upang makapagsimula kang makabili ng load o makapagbayad ng iyong bills, kailangan mong mag cash in. Maglagay ng pera sa iyong peso wallet.

Napakadali lang kung paano mag cash in sa iyong Coins.ph account. Sundin lang ang sumusunod:

Step 1: Pindutin ang "Cash In" icon sa app.

Step 2: Mamili ng Cash in method na sa tingin mo ay mas madali sa'yo.

Step 3: Ilagay ang amount kung magkano ang iyong ipapasok at pindutin ang "Place Order"

Step 4: Sundin lang ang instruction para makumpleto ang inyong bayad.

Puwede kang mag Cash in Instantly sa mga sumusunod na lugar:

  • 7-Eleven - walang bayad 'pag mas mababa sa P100
  • Union Bank - 100% fee rebate sa inyong peso wallet
  • M Lhuillier ePay
  • Cebuana Lhuillier
  • Gcash via DragonPay
Matapos mong lagyan ng pondo ang iyong Coins.ph account, maaari ka nang makabili ng load o magbayad ng bills! Basahin ang Part 3 para malaman kung paano bumili ng load.

Wednesday, October 12, 2016

Part 1: Ano ang Coins.ph


Coins.ph ay isang digital wallet na pwedeng magamit ng mga Pilipino sa pagbayad ng bills, o bumili ng bitcoin. Gamit ang Cons.ph, magagawa mo ang mga sumusunod - kahit walang bank account!

Pay Bills
Gamit ang Coins.ph app, hindi mo na kailangan pang pumila dahil instantly pwede ka nang magbayad ng iyong bills. 80 na iba't ibang uri ng bills ang pwede mong mabayaran nationwide!

Ilan sa mga ito ang sumusunod:
  • Electricity - Meralco, Cotobato Light, Davao Light, ILECO, at iba pa
  • Water - Manila Water, Maynilad, Laguna Water, and more
  • Government services - SSS Contributions, PhilHealth Premium, NBI Clearance, NSO
  • Telco - Globe, PLDT, Smart, Sun Cellular, and more
  • Broadbrand - Globe, Smart, Sun, and more
  • Cable - Cignal, My Destiny, Sky Cable, and more
  • Credit Card - BDO, BPI, Citibank, PNB, Unionbank, and more
  • Tuition fee - La Salle Greenhills, Miriam College, and more
Buy Load
Hindi ka na mahihirapan pang bumili ng load. Gamit ang Coins.ph makakabili ka ng load from Globe, Smart, Sun, TNT, and TM in just a few taps.

Pwde ka rin mag subscribe sa mga sumusunod na load promos:
  • Globe - GO UNLITXT 15, GoSURF 50, GO UNLI 25 and more
  • TM - Touch Mobile Astig Txt 20, TM CALL & ALL NET TXT 15, and more
  • Smart - All Text Plus 40, Giga Surf 50, Unli Call and Text 50, and more
  • TNT - Gaan Text 10, LahaTxt30, and more
  • Sun - Sun Xpressload Text Unli 60, Sun Xpressload Nonstop 50, and more
Send or Receive Money
Hindi mo na kailangan pang pumila ng kay haba-haba sa mga banko at simulan nang gamitin ang Coins.ph para mag send ng pera sa iyong kaibigan at pamilya! Ang kailangan mo lang ay ang kanilang email address, Facebook name o bank account details.

May hinihintay ka ba na magbabayad sa'yo? Pwede ka rin mag send ng Payment Request kahit kanino, kahit wala silang Coins.ph account.

Buy Game Credits
Mag power-up at lumusob hanggang mag umaga nang hindi nauubusan ng game credits! Gamit ang inyong Coins.ph account, napakadali nang bumili ng mga game credits katulad ng sumusunod:
  • Battle.net Gift Cards
  • Cherry Credits
  • Garena Shells
  • zGold-MOLPoints
  • Steam Wallet credits
  • EX Cash
  • Game Club
  • Level Up!
Buy Bitcoin
Ang Coins.ph ang unang virtual currency provider sa Pilipinas na lisensyado ng Bangko Sentral ng Pilipinas. Gamit ang inyong wallet, madali mo nang ma-convert ang pesos sa Bitcoin.

Para magawa mo ang lahat nang ito, kailangan mo maglagay ng pondo sa iyong Coins.ph wallet. Napakadaming cash-in outlet ang pwede mong gamitin. Basahin ang Part 2 to learn more!