Sa mga nakalipas na araw, nararamdaman kong nawawalan na ako ng gana. Isang garapon na walang laman; na kung dati ay puno ng lakas ngayon ay ubos na.
Minsan iniisip ko kung matatapos ba lahat ng mga paghihirap na ito. Nilalabanan ko naman ang lahat ng mga hadlang na dumarating sa aking buhay, pero pagod na ako. Matapos ang lahat ng mga pagsubok na aking pinagdaanan, mayroon na namang bagong darating.
Sabi nila na ang Panginoon ay nagbibigay ng pinaka mahirap na pagsubok sa kanyang mga alagad, pero Panginoon ko, mukhang kailangan n'yo ho nang mahabang pasensya at paninindigan sa akin dahil minsan hindi ko na rin po alam kung paano magpatuloy pa sa buhay na ito. 'Yung gusto ko nalang sumuko at hayaan ang buhay na sumira sa akin.
Hindi ko po hinihiling sa inyo na tanggalin ang aking mga pagsubok, dahil alam kong ito ang magtuturo sa akin kung paano maging matatag. Hindi ko po hinihiling na tanggalin n'yo 'yung mga sakit na aking nararamdaman, alam ko rin po na ang mga sakit na ito ang s'yang magpapalakas ng aking puso. Hindi ko po hinihiling na maging madali ang lahat, dahil dito ko malalaman na sa hirap ng pagsubok, sing tamis nang inyong pagmamahal ang tagumpay na aking matatanggap. Ang sa akin lang po, bigyan n'yo pa po ako ng lakas dahil nanghihina na po ako, sobrang pagod na at hindi ko na po alam kung hanggang saan pa ang aking makakaya.
May mga araw talaga na nararamdaman kong hindi ko na kaya. 'Yung mga nangyayari ngayon ay sobrang naguumapaw at alam kong wala akong lakas para kayanin ito nang mag-isa. Binabalot na nang kadiliman ang aking pagiisip at pawang sakit at pighati na lamang ang dumadaloy sa aking ugat.
Maraming mga bagay na nagaganap sa akin ngayon na hindi ko maintindihan. Ang ilan sa mga ito ay ipinararamdam sa akin na parang wala akong halaga, walang kwenta at hindi kawalan. Nasa punto na yata ako ng kalungkutan na kung saan kinakailangan na ng tulong at suporta upang hindi tuluyang lumubog sa kumunoy ng problema.
Panginoon, alam ko pong patuloy n'yo pa po akong hinihubog upang maging isang ganap at mabuting tao pero gusto ko lang po hilingin sa inyo na bigyan mo pa po ako ng lakas sa mga panahong nararamdaman kong hindi ko na kaya.
Alam ko pong pwede akong lumapit sa inyo kahit anong oras at inyo akong maririnig. Alam ko rin po na hindi n'yo intensyon na dalin ako sa punto ng buhay na ito upang iwan lang sa gitna ng trahedya. Patnubayan n'yo po ang aking kaisipan mula sa mga masasamang kaisipan.
Ang puso ko ay puno ng pangamba ngunit ako po ay taos pusong nagtitiwala na bibigyan n'yo po ako ng kalakasan na kailangan ko para magpatuloy araw-araw.
Panginoon, lumalapit po ako sa inyo upang maging malakas - malakas na pangangatawan sa patuloy na paglaban, malakas na pag-iisip at malakas na pananampalataya upang mabuhay. Kailangan ko po ng inyong lakas para maging matatag sa mga sitwasyong hindi na kinakaya ng sarili kong katawan.
Panginoon, humihingi po ako sa inyo ng tulong, tulong na kailangan ko upang harapin ang lahat ng mga pagsubok na darating pa sa aking buhay.
Panginoon, bigyan n'yo po ako ng lakas na kailangan ko ngayon upang nang sa ganoon ay makakakita pa ako ng isang magandang bukas.