Hanggang sa nilamon na ako nang aking kuryosidad. Nag Google ako dahil sa panahon ngayon alam kong s'ya ang takbuhan ng karamihan. At sa 'di inaasahang pagkakataon nabuhay ang blog na ito. Kahit na habang isinusulat ko 'to, marami pa rin akong hindi maintindihan. Ganun naman talaga diba? Mahirap sa umpisa kasi wala kang alam, 'yun nalang muna ang panghahawakan ko. Dadating din naman ako sa puntong ako na 'yung nagtuturo pero matagal pa 'yon. Basta sa ngayon ang alam ko lang, ginawa ko ito para sa sarili ko. Isusulat ko kung anong gusto ko. Kung paano naiintindihan ng dalawang mata ko ang mga bagay sa mundo.
Minsan kasi wala rin akong mapagsabihan ng kung anong tumatakbo sa isipan ko at kaysa sa mabaliw ako sa mga bagay bagay e mas okay na rin na gamitin ko ang teknolohiya para sa ikauunlad na aking pagkatao. Wala man akong kasiguraduhan sa kinabukasan ng blog na ito sa aking mga kamay, gusto ko nalang maging positibo. Tsaka ko na iisipin ang mga kamalian na pwedeng mangyari dahil normal lang iyon. At kalaunan sila pa ang pasasalamatan ko dahil naging matagumpay ako. Kaya kung ikaw ay tulad ko, tara inaanyayahan kitang samahan akong tumuklas pa ng iba't ibang kaalaman sa mga bagay na nakapaligid sa mundo... Huwag kang matakot dahil 'pag natakot ka baka matakot na rin ako.
0 comments:
Post a Comment