These are my tips kung paano pumasa sa Philippine Immigration. In this blog, ico-cover lang natin 'yung immigration tips para sa travel for leisure. So if travel for anything else and purpose mo, I am not sure if this blog will be super helpful to you. SO let's get into it.
First thing first, bakit ba may Immigration?
Sa lahat ng bansa ay may immigration because this is for the security purposes para namo-monitor ng isang bansa kung sino ang naglalabas-pasok sa bansa nila.
Ano ba ang mga requirements para makapag-travel ka sa ibang bansa?
1. Philippine Passport
Your passport should be in a good condition and should be valid at least 6 months after your return.
2. Visa (If required)
There are some countries na nagre-required ng visa, for example Japan, Korea, US, countries in Europe. Kailangan mo munang i-check ang pupuntahan mong bansa kung kailangan ba ng visa.
3. Printed Rountdrip Tickets
Personally, I advice na i-print ang tickets mo kasi minsan kapag nasa phone mo lang at naka screenshot hindi maiiwasan na mataranta kana kapag tinatanong ka na nung Immigration Officer. Minsa nakakakaba tapos mayroong mga Immigration Officer na very traditional, mas prefer nila ang printed. This I was experienced a lot of times, laging nasa phone ko lang ang itinerary tickets ko tapos lagi talaga akong napapagalitan. From then on lagi na akong nagpi-print ng itinerary ticket ko.
4. Pen
This is not actually a requirement but if you are travelling from NAIA, magdala ka ng ball-pen kasi walang ball-pen 'don dahil kailangan mong mag-fill-up ng mga Immigration slips. Walang ball-pen sa NAIA.
NOTE: Minsan ang roundtrip tickets ay hindi enough sa Immigration Officer para ipasa ka sa interview, kaya I suggest you also bring the following:
Helpful Documents
I advice that all your documents should be printed para mas madaling maghanap. And if marami kayo sa group kailangan lahat din kayo mayroong copy.
Hotel Booking
Dapat sa hotel booking nandoon syempre ang name ng hotel, address ng hotel at contact number of the hotel. Kung hindi ka naman magho-hotel or mag-e-AirBNB, kailangan alam mo 'yung pangalang ng pupuntahan mo o 'yung pag-stay-an mo, 'yung pangalan ng lugar ng pag-stay-an mo, at contact number ng contact person mo.
Reasonable Show Money
For the show money, I usually prepare 400 to 600 USD at syempre depende naman ito sa bansang pupuntahan mo. Mamaya, pupunta ka pala ng Europe tapos 'yun lang ang dala mo medyo sketchy 'yun diba? Pero kung Asia lang naman tapos 1 week usually ang trip mo, I think enough na 'yung 400 to 600 USD na show money pero syempre tipid lang tayo sa pag-travel, hindi ko naman lahat 'yun nagagastos. For show money lang talaga. Ito minsan ang show money ay hindi rin talaga enough. So kailangan mo ng..
Secondary Proof of Financial Capacity
This includes latest copy of your bank certificate. Also, pwede ka magpakita ng credit cards/debit cards.
Travel Itinerary
It is also safe to bring your detailed travel itinerary. Kapag mayroon na kayong listahan kung saan kayo pupunta, like day 1, day 2, day 3 etc.
Park Tickets, Vouchers
And kung mayroon kang mga reservation like park tickets, o kahit voucher. 'Yung mga nandun na dated nung time ng travel mo or within your time of travel, pwede mo ring dalhin 'yun to proof na pupunta ka lang talaga doon para maggala.
Additional Requirements for Different Types of People.
Enrolled Students
One, f you are a student and you're enrolled, please bring a copy of your registration form.
Student but not yet Enrolled
If you are a student and you are not yet enrolled pero mage-enroll ka palang, bring your current ID, siguro a proof of the date of your enrollment.
Employed - Private Sector
You should bring your company ID, a copy of Certificate of Employment, and also a copy of your approved leave letter. Pero kung tatakas ka lang, wala ka naman talaga nito, so wala ka maipapakita. Okay lang naman din 'yun.
Employed - Government
If you are employed in the government, bring your company ID, a copy of your Certificate of Employment and also leave notice. Parang may special na leave letter for government employee na hindi ka talaga palalabasin ng bansa o may sobrang liit na chance na palabasin ka ng Pilipinas kung wala ka nang leave of notice.
Currently Looking for Job
If you are currently looking for job, I think mag dala ka na lang din ng job offer, or 'yung mga scheduled interview.
Business Owner
If you are a Business owner, a copy of your Business Permit or your Mayor's Permit and also a copy of your Business Registration which is SEC, DTI or BIR
Traveling with Minor but NOT your Children
If you are travelling with minor which is not your children, halimbawa Tito ka lang tapos isasama mo ang mga pamangkin mo, kailangan mo ng DSWD Travel Clearance.
NOTE: Make sure that all of your document/s is/are legit.
TIPS during Immigration
Ito 'yung mga tips kapag nandoon ka na sa Immigration Booth Line
1. Dress Smart
Hindi naman kailangan na super suite and tie ganyan. Pero you should dress appropriately. Hindi puwede 'yung parang nakapambahay ka lang.
2. Relax
Alam ko mahirap mag-relax sa mga panahong ganito kahit na alam mo namang wala kang gagawing masama pero kinakabahan ka. RELAX! Inhale.. Exhale..
3. Take out your Passport from the Cover
Sa Immigration hindi nila kinukuha ang Passport cover o gusto nila Passport mo lang alone 'yung nandon together with your boarding pass and immigration slip. Mayroon akong kilala na silang barkada na nagtravel. Tapos 'yung isa hindi nakasama dahil 'nung tinatanggal n'ya 'yung passport doon sa cover. nasira 'yung front cover ng passport. So kapag hindi good condition ulit ang inyong passport, I doubt na payagan kayo. Please check your passport!
4. Be Polite
Huwag mo namang masyadong taasan ng boses o kalabanin 'yung Immigration Officer.
5. Do Not Panic
6. Be Confident
Be confident in all of your answers.
7. Be Honest
Be honest in answering all of the questions of the Immigration Officer.
Usual Questions Asked by the Immigration Officer
1. Saan ka Pupunta?
2. Sinong kasama mo?
3. Anong gagawin n'yo 'don?
4. Gaano kayo katagal 'don? and
5. Kailan ka babalik?
These are the questions na dapat super prepared ka na hindi mo kailangang tignan-tignan sa itinerary mo. Though, okay lang naman pero syempre at least this way medyo very detailed ka, alam mo kung kailan ka babalik. Ang sobrang importante lang naman sa kanila is kung ano ang gagawin mo doon at kailan ka babalik.
SO, these are my tips kung paano ka papasa sa Immigration kung ang purpose of your travel is for leisure o mag gagala ka lang.
Kung may alam ka pang Immigration tips para sa ating mga kababayan, please leave it in the comment section down below. If you like the content of this blog, please do share it to your friends!