Tuesday, July 17, 2018

QR code for Attendance Purposes

Sa lahat po ng aking mga estudyante, pakibasa po nang mabuti at sundin ang bawat panuto. Kinakailangan n'yong gumawa ng QR Code na magsisilbing attendance n'yo sa aking klase. Bago mag simula ang klase ko, ipakita lang sa akin ang QR code na inyong ginawa, isang scan lang nito at ikaw ay present na sa akin.

คลิกลิงค์นี้เพื่ออ่านเป็นภาษาไทย

Ito ang isang halimbawa ng QR code. 
Tuturuan ko kayo kung paano gumawa nito na magsisilbing attendance sa akin. P'wede mo itong gawin sa PC o kahit sa iyong Smartphone.

1. Puntahan ang site na ito, QR Code Generator.

I-click lang ang link na ito... QR Code Generator Hindi na po kinakailangang gumawa ng account.

2. Piliin ang Text QR Code.

3. Ilagay ang Pangalan at SECTION.

Ilagay ang iyong pangalan.. Magsimula sa Apelido, Pangalan at Gitna. Huwag kalimutan ang SECTION. Ex. Matoto, Eisenhower S. - BALABMM31

4. Pindutin ang Create QR Code.

5. I-download ang QR Code.

Hintayin lang na lumabas ang QR code.. At pindutin ang download.. 


Ayan! Mayroon ka nang sariling QR Code.. Maaari mo itong i-print at ipa-laminate. Ipakita lang sa akin ito every time na papasok ka sa klase ko.. 

NOTE: "NO QR CODE, it means YOU'RE ABSENT"

Kung hindi gumana ang link na nasa itaas, maaari mo itong gamitin, The QR Code Generator

1. Piliin ang Free Text.

2. Ilagay ang Pangalan at SECTION.

Ilagay ang iyong pangalan.. Magsimula sa Apelido, Pangalan at Gitna. Huwag kalimutan ang SECTION. Ex. Matoto, Eisenhower S. - BALABMM31

3. Pindutin ang save button.

Basahin mabuti kung tama ang lahat ng detalyeng nakasulat bago pindutin ang save button.

4. Bigyan ng Filename.

Lagyan ng kahit anong File name ang QR code na iyong ginawa at pindutin ang save.


Maraming site kung saan maaari kang gumawa ng iyong code. Ilan lang ito sa mga pwede mong subukan. 

9 comments: