Friday, July 20, 2018

Claim your 5000 BP for FREE

Yes, tama ka nang pagkakabasa, 5000 BP na libreng libre mong matatanggap at napakadali lang nito makuha.


May gagawin ka lang mga tasks, tapusin ito at matatanggap mo na ito ng libre. No hidden things. Kaya, puwede na ba tayong magsimula?

Ang balita tungkol dito ay hindi inannounce ng game developers. Sa tingin ko talagang sinadya nila ito na itago sa mga users para naman maging aware na rin ang ilan sa mga tutorials ng game. (Pero simula ngayon, hindi na s'ya isang sikreto dahil sasabihin ko na s'ya sa inyo. Sorry Mobile Legends Developers!!!)

Ang kailangan mo lang gawin ay pumunta sa Preparation tab at piliin ang tutorial, then Jungle Tutorial at makukuha mo ang iyong 5000 BP nang walang kahirap-hirap.


Maraming players na okay na sa kanila na gumamit ng mga libreng hereos. Men! 5000 BP ang pinaguusapan dito. Maaari mo itong ipangbili ng hero na gustong gusto mong gamitin. 

Isipin mo, nagkulang ka ng BP tapos bigla mo 'tong nalaman, edi panalo. Hindi rin nasayang ang effort ng game developers kasi may natutunan ka rin naman sa tutorial.


Dito mo makikita na ginagawa talaga ng game developers ang kanilang makakaya para maging game friendly ito para sa mga newcomers sa Massive Online Battle Arena (MOBA). Let's wish them to strive harder para ang mas lumaki pa ang community. Stay tune for more updates!

How to get Freya for only 10 pesos!

Ito ang paraan kung paano mo makukuha si Freya sa halagang 10 pesos! Sundin lang ang simple instruction dito.



Hindi ito isang drill. Inuulit ko, hindi ito isang drill. Gusto mong makuha si Freya pero may iba kang priority na bilhin sa shop?

Huwag kang mag-alala dahil 100% legit ito! Ang magagastos mo lang dito ay kasing baba ng 10 pesos. Tama ka nang nabasa, 10 pesos lang, at sa post na ito tuturuan kita kung paano ito gawin. So ano pang hinihintay mo, kunin mo na ang iyong cellphone, ang 10 pesos at magpaload na sa pinaka malapit na loading station sa inyo upang ma-avail ang opportunity na ito!

Baka gusto mo ring basahin: Claim your 5000 BP for FREE!

How To Get Freya

Magpaload ng 10 pesos sa inyong suking tindahan at magpunta sa site na ito Codashop.

1. Enter User ID.

Ilagay ang iyong ID number sa Mobile Legends.


2. Selecting Diamonds Recharge.

Sa listahan ng mga diamonds, piliin ang 11 diamonds. Ngayon, 'wag kang mag-alala sa amount dahil ang 11 diamonds ay katumbas ng 10 pesos. NOTE: Kung iniisip mo na hindi sapat ang bilang ng mga diamonds para makuha si Freya, kalimutan mo na 'yon. Ang mahalaga ay nag recharge ka ng diamonds.


3. Select Payment

Mamili ka ng iyong Mode of Payments. I highly recommend na piliin kung anong network ang iyong gamit, kung globe, globe. Kung sun, sun. At kung smart ay ganun din. 


4. Input your e-mail address.


5. Final Note and Step.

Matapos mong sundin ang mga instruction sa itaas at pindutin ang buy now, ilagay lang ang iyong mobile number sa blank space provided. I highly recommend na gamitin mo ang phone number na matched sa phone number sa iyong Google account. 



Then, mare-redirect ka sa ibang screen, hintayin lang ang text na magbibigay sa'yo ng 3 digit code na ilalagay mo sa blank space provided.




Once you done that, okay na! Puwede ka nang  pumunta sa Mobile Legend app at hanapin ang event na nagsasabing "Recharge and get Freya free."
Claim it at sa iyong sa'yo na si Freya!



Ganoon lang kadali kung paano makuha si Freya. Kaya kung gusto mo s'yang makuha, gawin mo na 'to!

Baka gusto mong basahin: How to buy Razor Pin using Coinsph

Tuesday, July 17, 2018

QR code for Attendance Purposes

Sa lahat po ng aking mga estudyante, pakibasa po nang mabuti at sundin ang bawat panuto. Kinakailangan n'yong gumawa ng QR Code na magsisilbing attendance n'yo sa aking klase. Bago mag simula ang klase ko, ipakita lang sa akin ang QR code na inyong ginawa, isang scan lang nito at ikaw ay present na sa akin.

คลิกลิงค์นี้เพื่ออ่านเป็นภาษาไทย

Ito ang isang halimbawa ng QR code. 
Tuturuan ko kayo kung paano gumawa nito na magsisilbing attendance sa akin. P'wede mo itong gawin sa PC o kahit sa iyong Smartphone.

1. Puntahan ang site na ito, QR Code Generator.

I-click lang ang link na ito... QR Code Generator Hindi na po kinakailangang gumawa ng account.

2. Piliin ang Text QR Code.

3. Ilagay ang Pangalan at SECTION.

Ilagay ang iyong pangalan.. Magsimula sa Apelido, Pangalan at Gitna. Huwag kalimutan ang SECTION. Ex. Matoto, Eisenhower S. - BALABMM31

4. Pindutin ang Create QR Code.

5. I-download ang QR Code.

Hintayin lang na lumabas ang QR code.. At pindutin ang download.. 


Ayan! Mayroon ka nang sariling QR Code.. Maaari mo itong i-print at ipa-laminate. Ipakita lang sa akin ito every time na papasok ka sa klase ko.. 

NOTE: "NO QR CODE, it means YOU'RE ABSENT"

Kung hindi gumana ang link na nasa itaas, maaari mo itong gamitin, The QR Code Generator

1. Piliin ang Free Text.

2. Ilagay ang Pangalan at SECTION.

Ilagay ang iyong pangalan.. Magsimula sa Apelido, Pangalan at Gitna. Huwag kalimutan ang SECTION. Ex. Matoto, Eisenhower S. - BALABMM31

3. Pindutin ang save button.

Basahin mabuti kung tama ang lahat ng detalyeng nakasulat bago pindutin ang save button.

4. Bigyan ng Filename.

Lagyan ng kahit anong File name ang QR code na iyong ginawa at pindutin ang save.


Maraming site kung saan maaari kang gumawa ng iyong code. Ilan lang ito sa mga pwede mong subukan. 

Saturday, July 7, 2018

4 ways para kumita ng pera online na hindi kinakailangan ng special skills

Image result for make money online logo

Marami nang kumikita online dahil napakadali nalang nitong gawin sa tulong ng teknolohiya. Ngunit ilan sa mga trabaho online ay kinakailangan ng mga special skills para ikaw ay makapagsimulang magtrabaho. Ilang halimbawa sa mga ito ay ang pag-sususlat o kaya naman ang paggawa ng programs at websites. Pero mayroon din namang mga trabaho online na kinakailangan lang ng pinaka basic skills.

Ilan sa mga skills na ito ay 'yung mga natutunan mo sa eskwelahan o kaya naman 'yung mga skills na nakuha mo sa araw-araw na paggamit ng Internet. Kung handa ka nang pumasok sa mundo ng paggawa ng pera online, ito ang ilan sa mga maaari mong subukan:

TESTING WEBSITE

Nakapunta ka na ba sa isang website na kung saan ay hindi mo alam kung ano ang pipindutin kasi nakakalito ang mga navigation? I-criticized ang disenyo at kung anu-ano pa? Kung oo ang iyong sagot at hindi ka natatakot na ibahagi ito sa iba, pwes this one is for you.

Lahat ng mga taong nasa likod ng isang business syempre alam n'yan kung ano ang kahalagahan ng isang market testing. Kung may free sample na pinapamigay ang isang brand para iyong subukan, hindi rin naman nalalayo ito sa paggamit ng isang website.

Dahil sa mundo ngayon na halos lahat ay digital na, mahalaga na magkaroon ng isang website, anu man ang uri nito. Ang problema mo nga lang ay kung hindi user-friendly ang iyong website dahil hindi ito magiging epektibo. 

Ito ang kagandahan ng mga kompanya na tulad ng UserTesting. Mga kompanyang nakakakuha ng benepisyo sa paglalabas lang ng sample size target market, i-test ang kanilang website at mag provide ng audio, video at written feedback.

Sa kabilang banda, ang mga tester ay nagkakaroon ng mga benepisyo by going on a specific website, sundin lang nang tama ang instruction, at magbigay ng tapat at totoong komento. Tulad ng UserTesting, ang kailangan mo lang ay web cam at headset at pwede ka nang kumita ng $10 kada review. No special skills required.

TRANSCRIPTION

Alam mo man ito o hindi, I'm pretty sure na mayroon ka nang experience sa ganito. It doesn't matter kung nagtranscribe ka ng isang audio interview para sa school project, nag word to word jot down notes ka habang nakikinig sa seminars, o kaya naman sinulat mo 'yung lyrics ng kantang narinig mo sa radyo. Ang mahalaga ay nakapag convert ka ng isang audio file to written form, then it means na you already done transcribing.

Maniniwala ka ba kung sasabihin kong may mga tao sa buong mundo na handang magbayad para lang sa serbisyong katulad nito? Hindi ka man nito magagawang milyonaryo pero sa tamang kompanya, maaari kang kumita ng $20 per hour ng pag transcribe mo. Ang kompanyang katulad ng TranscribeMe ay tumatanggap ng anumang edad o kung saan ka mang parte ng mundo.

ENCODING

Mula sa pag copy-paste ng URL, mag Google ng mga local restaurants, hanggang sa pag-organized ng isang spreadsheet file, ang pag lalagay ng data, o pagpapasok ng mga inpormasyon ay nakatutulong sa negosyo noon pang dekada nobenta. Kung iniisip mo palang na nakapapagod ng pumasok sa isang panghabang buhay na traaho, bakit hindi mo subukan ang mundo ng encoding at kumuha lang ng maliliit na trabaho.

Ang Mechanical Turk, isang subsidiary company ng Amazon, ay nagpuputol ng mga mahahabang data entry at encoding sa mga maliliit na task na kayang tapusin sa loob lang nang ilang sigundo. Katada task ay magbibigay sa'yo ito mula $0.01 hanggang $0.25 depende sa kahirapan nito.

BECOME A LOADING CENTER

Sa patuloy na pagtaas ng mga bilihin, kada piso ay mahalaga. Kung ikaw ay mayroon ng Coins.ph account, puwede mo itong gamitin upang ikaw ay maging loading center, bumili ng load o kaya naman mag bayad ng bills para sa iyong mga kapitbahay. Makakakuha ka ng P5 rebate everytime na ikaw ay magbabayad ng isang bill, at may dagdag pa 'yang P100 rebate everytime na makababayad ka ng limang bills sa loob ng isang linggo. At kapag ikaw naman ay bumili ng load, makakakuha ka ng 10% rebate each time.
Kung wala ka pang Coins.ph account, maaari mong bisitahin ito:  https://coins.ph/m/join/tp0quh